fresh no ads
2 Korean nag-sauna sa Batangas resort, namatay sa ‘heart attack’ | Philstar.com
^

Food and Leisure

2 Korean nag-sauna sa Batangas resort, namatay sa ‘heart attack’

Arnell Ozaeta - The Philippine Star

MANILA, Philippines — Lumalabas na heart attack ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang turistang Koreano na natagpuang nakahandusay sa loob ng sauna room sa isang resort sa Mabini, Batangas noong Huwebes (hindi Linggo sa unang ulat).

Ayon kay Major Arwin Baby Caimbon, hepe ng Mabini Police Station, base sa death certificate ng dalawang Koreano ay “Acute Myocardial Infarction (heart attack) secondary to heat stroke” ang kanilang ikinamatay.

Noong Disyembre 7, alas-3 ng madaling araw nang matagpuan ang mga Korean nationals na sina Sun Tae Kim, Yun Seok Seo at Hak Neung Kim na pawang nakahandusay sa sahig ng sauna room ng resort.  ­Kagagaling lang sa outdoor adventure ang mga biktima at nang makabalik sa resort ay nagdesisyong mag-sauna pasado alas-dose ng madaling-araw. 

Mabilis na naisugod sa ospital ang tatlo pero idineklarang patay na sina Sun Tae Kim at Yun Seok Seo habang patuloy na nagpapagaling si Hak Neung Kim. 

“Wala naman kaming nakikitang foul-play sa pangyayari dahil tumutugma naman ang mga pahayag ng mga empleyado ng resort sa nakuha naming CCTV footages” ani Maj. Caimbon

Lumalabas sa imbestigasyon na kapwa lasing umano ang tatlong Korean nang pumasok sa loob ng sauna room.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with