EDITORYAL - Higpit ngayon, luwag bukas sa yellow lane?
(Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2017 - 4:00pm

DITO sa ating bansa, sa una lang naghihigpit sa pagpapatupad ng batas. Kapag nagtagal na, balik na sa dating gawi. Katunayan, maraming batas na pinagdebatehan nang matagal sa bansang ito ang hindi naipatutupad o kung maipatupad man, panandalian lamang. Sa una lamang mainit pero makaraan ang isang linggo wala na. Kaya nagpapakahirap lamang ang mga mambabatas sa paggawa ng batas dahil hindi naman naiimplement nang maayos.

Itong paghihigpit ng Metro Manila Development­ Authority (MMDA) sa yellow lane o bus lane sa EDSA ay inaasahang sa simula lamang matindi ang pagpapatupad pero habang tumatagal wala ring mangyayari rito. Nagawa na ito noong panahon pa ni MMDA Chairman Bayani Fernando pero ano ang nangyari? Naghigpit na noon ang MMDA at naglagay pa ng mga orange barriers pero ang ginawa ng mga pasaway na bus drivers, sinagasaan pa ang mga ito. At wala namang nagawa ang MMDA noon sapagkat hindi naparusahan ang bus driver o ang operator. Hanggang sa wala nang nangyaring paghihigpit sa yellow lane. Nawalan nang silbi ang yellow lane.

Ngayon ay ibinabalik muli ang paghihigpit sa yellow lane. Ayon sa MMDA ang lahat nang bus na lalabas sa yellow lane ay huhulihin at pagmumultahin. Bawat paglabas ng bus sa yellow lane ay huhulihin kaya ilang pagmumulta ang gagawin ng bus driver. Sabi ng MMDA, hindi porke at nahuli na ang bus sa Cubao sa paglabas sa yellow lane  ay hindi na siya huhulihin kapag lumabag muli sa Ayala Avenue, mali raw ito. Bawat paglabas sa yellow lane ay may katapat na multa. Sabi ng MMDA, ang paghihigpit sa yellow lane ay para mapaluwag ang trapik sa EDSA.

Noong Lunes, 684 na bus ang nahuli dahil sa pag­labas sa yellow lane. Tagumpay umano ang unang­ araw ng pagpapatupad ng batas.

Hanggang kailan ang paghihigpit na ito? Madali nang sagutin dahil hindi ito ang unang paghihigpit sa mga dumadaan sa yellow lane. Matagal nang batas ito at alam na ng mga bus driver na bawal talagang lumabas dito pero dahil ningas kugon ang MMDA sa pagpapatupad, bara-bara na ang lahat.

Higpit ngayon, luwag bukas ang MMDA.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.