^

Entertainment

‘This Thing Called Problema’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Kung Hei Fat Choi! Kahit Chinese New Year tapos na,

New Animal Year pa lang nama’y paumpisa,

Subalit meron agad na pino-problema,

Year of the Sheep? Goat? Ram? Ano nga ba talaga?!

 

Anak ng tupa! O, Hijo de Caldereta!?

Ngek! Kung kaya sa Problem Solving ay pipila

At sasangguni muli sa mga Barkada

Kasama iba to solve That Thing Called Problema!

 

Kung may alimangong bakla at alanganin,

May nagtanong kung itlog na maalat bading,

Na-shock ang beauty ko nang kung bakit tanungin,

Eh kasi nga atcheng FUCHSIA kanyang coloring!

 

Dahil itlog naman ang pinag-uusapan,

Basagin pa natin isa pang katanungan

Bakit egg yolk PULA ng itlog katawagan?

Eh hindi raw pula ‘yon at DILAW nga naman!

 

Bakit pag pogi nakabuntis ng dalaga

Ay kasal agad ang solusyong mapapala?

Subalit pag ngepoy na ang nakadisgrasya,

Bakit agad-agad pinaba-barangay s’ya?!

 

Bakit daw pag pogi’t naka-formal attire s’ya

Ay ASTIG agad ang tinatawag sa kanya?

Subalit pag pangit na… tawag na ay iba —

NAKAPAMBUROL ito! Nasa’n ang hustisya?!

 

At bakit daw pag isang babaeng maganda

Ang may asong dala ay animal lover s’ya?

Ngunit kapag isang ugly girl ang may dala

Ay sinasabing LUKSO NG DUGO lamang ba?!

 

He, he, he… unfair ang buhay natin talaga!

And speaking of “panget,” ano raw ang mas nget-pa —

‘Yung tumutulo ang laway mo pag tulog ka

O ‘yung tumutulo laway mo pag gising na?!

 

“TAWAG ng kalikasan” kapag umebak ka,

Utot daw’y MISSED CALL… inyo bang naaalala?

Ano ngayon pag sa utot mo’y may sumama?

Eto pa’ng tanong nila Ito ay DROPPED CALL ba?!

 

Excuse me po sa kumakaing nagbabasa,

More about “evacuating” ay naririto pa

Ang “pagpipigil ng pagbabawas” na raw ba

Ay WIWI-holding and PUPU-lation control na?!

 

Bakit daw dapit-hapon pag hinihintay na,

Sa kanyang paghihintay ay GINAGABI s’ya?!

If the wife has the key sa puso ng mister n’ya,

‘Yun daw bang kabit may DUPLICATE na hawak ba?! 

 

Tanong din nilaKung si MAGNANAKAW daw ba

Ay si SINUNGALING kapatid n’yang talaga?

Ang mahalaga lang sa nag-tweet ay iisa

Sino mas matanda sa kanilang dalawa?!

 

Bakit daw sa bangko ballpen tinatalian?

‘Di ba’t sa kanila ating pinaglalagyan

Ng ating mga pera ngunit bakit ganyan,

Ballpen lang ayaw tayong pagkatiwalaan?!

 

Pag sa library may nakita kang pinatay,

O may sunog kayabawal ka ba mag-ingay?

At bakit daw Garbage Truck basura sakay,

Pero FIRE TRUCK tubig ang laman hindi apoy?!

 

Meron namang left-handed o isang kaliwete,

Nag-aalangang kumain sa labas ire,

Baka raw sa mga restaurants s’yay no entry,

Because daw “The customer is always RIGHT” kasi!

 

Kung may nagsasalita’t naglalakad sa sleep,

Ang mga pipi rin kaya ay naghihilik?

Pwede naman siguro mag-Coke pag coffee break,

And of course, nag-aahasan din kaya ang snake?

 

Wait lang, ‘yung last sasagutin lang ng Poet N’yo,

You might think kasi puro tanong lang ako —

NAG-AAHASAN ANG AHAS! Hot mga ito!

You’ll always hear, “DarLING KISs!”… “Alisin CO BRA mo!”

 

Kung tayo ba’y mapunta sa planet ng alien,

“Alien” din ba itatawag nila sa atin?

Ask nga ba ng traffic enforcers na atcheng

Na ibalik ang sidearms nila na BATUTEN?!

 

Not trulili but trulilay na sa Cavite

Nagta-trapik na nga mga bruha sa kalye!

Aprub din d’yan mga hosts ng STARS & BEKS CAFÉ

Na sina Sugar at Leche mamayang gabi!

 

Sa Wow, Mali! Lakas Ng Tama! at 9 s’yempre!

Solb ang problema n’yo sa Ha, ha, ha! at He, he, he!

Ho, ho, ho! Hi, hi, hi! Wait, ba’t may Hu, hu, hu! ‘te?

May naiiyak din sa katatawa kasi!

vuukle comment

ANO

BAKIT

CHINESE NEW YEAR

DAW

GARBAGE TRUCK

KUNG

PAG

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with