^

PM Sports

Justine Bieber sasamahan si Mayweather sa stage

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa press conference pa­ra sa opisyal na paghahayag ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd May­weather, Jr. ay sumi­ngit sa kuhanan ng litrato si singer Justine Bieber.

Ngayon naman ay ma­kakasama si Bieber sa paggabay kay Maywea­ther sa pag-entra nito sa bo­xing ring sa Mayo 2 para sa mega showdown nila ni Pacquiao sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa isang ambush inter­view ng TMZ, kinumpirma ng Canadian pop star na sasamahan niya si Mayweather para sa ring entrance nito sa venue.

“Yes, sir,” sagot ni Bie­ber nang tanungin siya kaugnay dito.

Sina Bieber at May­wea­ther ay kilalang magkasundo sa lahat ng bagay.

Pareho silang bumibili ng mga mamahaling kotse, eroplano at alahas.

Ilang beses na ring na­aresto si Bieber dahil sa pag­mamaneho ng lasing.

Hindi ito ang unang pag­kakataon na tatayong es­cort si Bieber ng kanyang kaibigang boksinge­ro.

Noong 2013 ay naka­sama ni Bieber si rapper Lil Wayne sa paghahatid nila kay Mayweather sa bo­xing stage para sa laban nito kay Mexican Saul “Ca­nelo” Alvarez.

Dahil sa sinasabing pi­nakamalaking boxing event sa kasaysayan ay ayaw mawala sa eksena si Bieber.

Umagaw na ng eksena ang Canadian singer sa Pacquiao-Mayweather press conference nang banggain si Showtime exe­cutive vice president Ste­phen Espinoza sa photo ops.

Hindi nagalit si Espinoza sa ginawa ni Bieber at sa halip ay tinawanan la­mang ito.

vuukle comment

BIEBER

ESPINOZA

FLOYD MAY

JUSTINE BIEBER

LAS VEGAS

LIL WAYNE

MAYWEATHER

MEXICAN SAUL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with