SBU tatapusin ang EAC
MANILA, Philippines — Pakay ng defending champion San Beda University na pasukuin ang Emilio Aguinaldo College sa pagharap nila sa Game 2 ng best-of-three semifinals ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa Mall of Asia Arena ngayong araw.
Namumuro ang Red Lions sa pag-usad sa Finals matapos ang pahirapang panalo sa Game 2 kung saan ay dalawang puntos lang ang lamang nila sa Generals, 85-83.
Magsisimula ang banatan ng Mendiola-based squad at mga taga-Taft sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Jose Rizal University at Letran sa alas-3 ng hapon.
Sinandalan ng San Beda si Aldous Torculas sa huli nilang laro kung saan ay sinalpak nito ang panelyong puntos sa bandang dulo ng laro.
Nagtala lamang siTorculas ng 11 puntos at limang rebounds, pero mahalaga ang kanyang krusyal na tira na tuluyang nagpayuko sa Generals.
Kaya paniguradong si Torculas pa rin ang magiging pang primerong opensa para sa two-peat seeking.
Subalit tiyak mas mapapalaban ng todo ang SBU dahil ibubuhos ng EAC ang kanilang lakas upang makahirit ng deciding Game 3.
Samantala, isang hakbang na lang din ang Jose Rizal University para makapanhik sa championship round matapos nilang yanigin ang Letran, 102-98 sa Game 1.
- Latest















