^

PSN Palaro

Cagebelles wala nang pag-asa na mapasama sa Myanmar SEAG

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi inendorso ng Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagsali ng women’s basketball team para sa Myanmar SEA Ga­mes.

Ayon kay POC-PSC Task Force member Romy Magat, nakausap na niya ang pamunuan ng wo­men’s team at sinabihang kausapin ang liderato ng SBP para masama sila sa naunang ibinigay na entry-by-number.

“But so far, wala kaming nakuhang reaksyon sa SBP. No request so no action required,” wika ni Magat.

Naghahabol ang wo­men’s team na masama sa Pambansang delegasyon dahil sila ay silver medalist noong 2011 SEA Games at naniniwala si coach Haydee Ong na makukuha na nila ang ginto sa pagkakataong ito.

Ikinatuwiran ni Ong na nabiktima sila ng masamang officiating sa laro laban sa Thailand na kanilang naisuko para maibigay ang ginto sa kalaban.

Pero isang source sa SBP ang umamin na tala­gang hindi inendorso ng asosasyon ang women’s team dahil hindi sila nagsa­gawa ng open tryouts para maipakita na ang koponan ay binubuo ng pinakamahu­husay na manlalaro sa bansa.

“May mga magagaling na manlalaro sa UAAP pero bakit hindi nila ito isinama sa team at pinipilit ang mga kasapi ng 2011 team. Muntik silang nanalo noon pero hindi mo masasabi na mananalo sila ngayon dahil dalawang taon na ang nakalipas,” paliwanag ng impormante.

Ang pagtiyak na ang pinakamahuhusay na manlalaro sa kababaihan ang bubuo sa National team ang itinutulak ng SBP bilang pagtalima rin sa kautusan ng POC na tiyaking gold medal potential ang bubuo sa Pambansang delegasyon.

 

vuukle comment

AYON

BASKETBOL

HAYDEE ONG

IKINATUWIRAN

PAMBANSANG

ROMY MAGAT

SHY

TASK FORCE

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with