^

PSN Palaro

FEU buhay pa tsansa sa Final Four

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
FEU buhay pa tsansa sa Final Four
Tinirahan ni Jorick Bautista ng FEU si Paul John Francisco ng NU. UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines – Lumapit sa asam na makapasok sa Final Four ang Far Eastern University matapos nilang suwagin ang 85-63 panalo kontra National University sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.

Napaganda ng Tamaraws ang kanilang karta sa 8-5 upang palakasin ang kapit sa pangatlong puwesto sa team standings at makasiguro ng playoff para sa final four berth.

Kinapitan ng Morayta-based squad ang matikas na laro ni Jorick Bautista upang ikahon ang importanteng panalo, nirehistro nito ang 18 points habang 14 ang binakas ni Luke Felipe.

Maagang ipinaramdam ng Tamaraws ang kanilang mabalasik na laro matapos nilang dominahin ang Bulldogs sa unang dalawang quarters, hinawakan nila ang 15-point lead, 48-33 sa halftime.

Hindi naman nagbago ang laro ng mga bataan ni FEU head coach Sean Chambers, lalo silang gina­nahan sa third period upang lumubo pa sa 28 puntos ang bentahe, 72-44 sa halftime.

At dahil sa laki ng lamang ay hindi na naka­habol ang Bulldogs at tulu­yan na silang sumuko sa laban.

“We just felt like we have a job to do so we just took care of the first step of the job. So now, we put ourselves in a good situation of controlling our own destiny,” sabi ni Chambers. “At the end of the day, in order for us to belong, we have to beat NU, La Salle, UP to show that we’re a­ctually getting to the level of res­pect that we’re trying to get at FEU and bring back the glory days.”

Samantala, tumibay ang pag-asa ng De La Salle University sa asam na masilo ang back-to-back champion matapos nilang kalusin ang University of the Philippines, 88-80.

Napaganda ng Green Archers ang kanilang karta sa 8-5 upang saluhan sa No. 3 spot sa team stan­dings ang FEU.

Matapos ang malaking kalamangan sa pagtatapos ng third canto ay hindi naman nagpabaya ang La Salle Green Archers sa payoff period, inalagaan na lamang nila ang kanilang bentahe at sinabayan ang opensa ng Fighting Maroons upang makuha ang panalo.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with