^

PSN Palaro

Patriots, Beermen aasinta ng panalo

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ikalimang dikit na panalo ang balak kunin ngayon ng AirAsia Philippine Patriots sa pagharap uli sa Chang Thailand Slammers sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ang unang laro sa tahanan ng Patriots matapos ang apat na sunod na road games na kung saan nagtala ng 4-0 karta ang koponang pag-aari nina Mikee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Cojuangco.

Nananalig si coach Glenn Capacio na mas ma­bangis ang maipapakitang laro ng Patriots kontra sa nagdedepensang Slammers sa kanilang alas-6 ng gabing tunggalian upang mapanatili ang kapit sa liderato.

 Umani ng 81-72 panalo ang Patriots sa unang pagkikita nila ng Slammers pero inaasahang inspirado ang dayong koponan matapos angkinin ang 80-69 panalo sa Westports Malaysia Dragons sa hu­ling asignatura.

 Mauunang mapapalaban ang San Miguel Beermen laban sa Indonesia Warriors sa The Mahaka Square sa Indonesia.

 Sa ganap na alas-3 ng hapon ang bakbakan at pipilitin ng tropa ni coach Bobby Ray Parks Sr. na bumangon matapos ang 63-66 pagkatalo sa kamay ng Saigon Heat sa huling laban.

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

BOBBY RAY PARKS SR.

CHANG THAILAND SLAMMERS

GLENN CAPACIO

HARBOUR CENTRE

INDONESIA WARRIORS

MAHAKA SQUARE

MIKEE ROMERO

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with