^

PSN Palaro

Chiefs, Generals riot sa 2nd spot

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agawan sa No. 2 spot sa Group B ng team stan­dings ang Emilio Aguinaldo College at Arellano University kaya asahang mainit ang magiging labanan sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa PhilSports Arena ngayong araw.

Magsisimula ang bakbakan ng Generals at Chiefs sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng labanan sa pagitan ng mga taga- Intramuros na Lyceum of the Philippines University at Mapua University sa alas-3 ng hapon.

Parehong may tig-6-6 baraha ang EAC at  AU habang solo sa unahan ang Letran na may 8-4 record at nakasisiguro na ito ng top seeding sa Group B.

Impresibo ang ipinakitang tikas ng Generals sa huli nilang laro matapos nilang payukuin ang tiga­sing Knights, 78-71 mula sa kabayanihan nina Jacob Shanoda, Jude Bagay at Kyle Ochavo.

Paniguradong sina Sha­noda, Bagay at Ochavo ang ibabangga ng EAC sa mga kamador ng Chiefs.

Samantala, nasa kukote ng Cardinals ang wa­kasan ang kamalasan matapos ang tatlong sunod na kabiguan.

Kaya paniguradong huhugot ng lakas ang Intramuros-based squad kina Cyrus Cuenco, Jamal Diaz, Yan Concepcion at Mark Igliane para makabalik sila sa porma at manatiling malaki ang tsansa sa asam na korona.

ARELLANO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with