Beach volley out din sa SEA Games

MANILA, Philippines — Hindi madedepensahan ng Alas Pilipinas ang korona nito sa women’s beach volleyball matapos tanggalin ang beach volleyball event sa 2027 edisyon ng Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Kasama ang beach volleyball sa mga nasibak sa kalendaryo ng Malaysia SEA Games matapos ang pagpupulong ng SEA Games Federation Council.
Maliban sa beach volley, tanggal din ang rowing, wrestling, jiu-jitsu, kickboxing, chess, surfing, canoeing, traditional boat racing at triathlon.
May 43 sports lamang ang paglalabanan sa Malaysia SEA Games kung saan nakataya ang 473 gintong medalya.
Kaya naman hindi maipagtatanggol ng Alas Pilipinas ang SEA Games crown nito na napanalunan noong 2025 edisyon sa Bangkok, Thailand.
Binubuo nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Dji Rodriguez, Gen Eslapor at Sunny Villapando ang Alas Pilipinas na nakasungkit ng ginto sa Thailand SEAG.
Malakas pa naman ang tsansa ng Alas Pilipinas lalo pa’t nakasungkit ng tanso sina Khylen Progella at Sofiah Pagara sa 2026 Asian Games na ginanap naman sa Nagoya, Japan.
Isa ang beach volley sa nakapagbigay ng gintong medalya para sa Team Philippines noong Thailand Games.
Sa kabuuan, may 50 gintong medalya ang Pilipinas sa 2025 SEA Games.
Sa katatapos na Asian Games, nag-ambag ang Alas Pilipinas ng isang tanso mula kina Progella at Pagara.
- Latest

















