^

PSN Palaro

La Salle binawian ng NU

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
La Salle binawian ng NU
UAAP
STAR / File

MANILA, Philippines — Binuhol ng National University ang pangalawang sunod na panalo matapos nilang lapain ang defending champion De La Salle University, 84-80 sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Sinandalan ng Bulldogs ang mabalasik na laro ni Reinhard Jumamoy sa fourth quarter upang itarak ang 8-3 baraha at palakasin ang kapit sa No. 2 spot sa team standings.

Tumikada si Jumamoy sa fourth quarter ng 14 sa kanyang game-high 21 points dahilan para tulu­ngan ang NU na ipalasap sa DLSU ang pang-limang talo sa 11 salang.

Ang huling field goal ni Jumamoy ay nang sinalpak nito ang malayong three-pointer na nagbigay sa Bulldogs ng 77-70  bentahe may 4:01 minuto na lang ang nalalabing oras sa laro.

Naging mabangis ang Bulldogs sa unang dalawang quarters kaya naman nahawakan nila ang five-point lead, 47-42 sa halftime.

Pero hindi nasindak ang Green Archers, nag-init  ang kanilang opensa sa third canto upang agawin ang lamang, 61-58, papasok ng fourth quarter.

Muling lumabas ang tapang ng Bulldogs sa payoff period, nabawi nila ang bentahe at saka naki­pagsabayan sa opensa ng kalaban upang masilo ang mahirap na panalo.

Samantala, humugot ng lakas ang University of Santo Tomas kay Amiel Acido upang masikwat ang 86-82 panalo laban sa Far Eastern University.

Kumamada ng mga importanteng tres sa bandang dulo ng fourth quarter si Acido upang tulungan ang Growling Tigers na pa­la­kasin ang tsansa sa Final Four hawak ang 5-6 karta.

Kasalo ng España-based dribblers sa No. 5 spot ang Ateneo de Manila University, habang nalasap naman ng Morayta-based squads ang ika-5 limang kabiguan sa 11 laro.

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with