Luka nag-init vs Blazers

LOS ANGELES, — Nagbagsak si Luka Doncic ng 53 points tampok ang isang key jumper sa huling 28 segundo ng laro para sa 124-118 panalo ng Lakers sa Portland Trail Blazers sa isang NBA Cup game.
Ito ang ika-11 career 50-point game ni Doncic at pang-apat para sa Los Angeles (8-2) na nasa four-game winning streak.
Nakabilang ang Slovenian star kina Elgin Baylor, Kobe Bryant at George Mikan bilang tanging mga Lakers player na kumana ng higit sa 40 points sa apat na sunod na regular-season games.
Nag-ambag si Austin Reaves ng 25 points at humakot si Walker Kessler ng 16 points at 12 rebounds sa kanilang pagbangon mula sa 129-136 home loss sa Portland (6-2) noong Oktubre 27.
Kumolekta si Deni Avdija ng 22 points, 11 assists at siyam na rebounds at may 22 markers si Damian Lillard para sa Blazers.
Sa iba pang laro, tinusok ng Cleveland Cavaliers ang Philadelphia 76ers, 119-95; dinagit ng Atlanta Hawks ang Washington Wizards, 139-132; dinomina ng Boston Celtics ang Charlotte Hornets, 119-80; tinalo ng Dallas Mavericks ang Utah Jazz, 112-100; pinatumba ng Oklahoma City Thunder ang Memphis Grizzlies, 128-97; wagi ang Toronto Raptors sa Milwaukee Bucks, 121-107; at giniba ng Minnesota Timberwolves ang New Orleans Pelicans, 115-109.
- Latest






















