Brunson, KAT binuhat Knicks kontra Cavs

CLEVELAND, Philippines — Kumana si Jalen Brunson ng 31 points at may 29 markers si Karl-Anthony Towns sa 109-97 panalo ng New York Knicks kontra sa Cavaliers sa rematch ng 2025 Eastern Conference finalists.
Umiskor si Brunson ng 18 sunod na puntos sa second quarter para tulungan ang defending NBA champions na kontrolin ang laro.
Ito ang unang paghaharap ng New York (5-4) at Cleveland (5-5) matapos ang nakaraan nilang conference finals series kung saan winalis ng Knicks ang Cavaliers.
Matapos maiwanan sa 37-39, kumonekta si Brunson ng isang three-pointer at kumamada ng 18 sunod na puntos para sa 52-45 abante ng New York sa second period patungo sa pagtatayo ng isang 10-point lead.
Hinugot ni Donovan Mitchell ang 21 sa kanyang season-high 37 points sa fourth quarter para banderahan ang Cleveland na naglaro na wala sina injured center Jarrett Allen (knee) at guards Jaylon Tyson (ankle) at Sam Merrill (elbow).
Sa iba pang laro, panalo ang Denver Nuggets sa Indiana Pacers, 114-102; dinagit ng Atlanta Hawks ang Brooklyn Nets, 124-121; tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Washington Wizards, 114-75; tinakasan ng Golden State Warriors ang Orlando Magic sa overtime, 126-119; at sinunog ng Phoenix Suns ang Houston Rockets, 102-99.
- Latest



















