Excerpts Of Taped Phone Conversations Between Atong Ang And Gov. Chavit Singson (Oct. 6, 2000)
() - October 13, 2000 - 12:00am
ATONG: ‘Yong ano ba, ano ba ang problema mo kay Presidente?

CHAVIT
: Wala akong problema.

ATONG
: Wala.

CHAVIT
: Wala akong problema. Anong problema ko? Ang problema ko ‘yong kinuha mo noon na siento treinta milyon. ‘Yon ang problema ko. Nakabitin hanggan ngayon.

ATONG
: ‘Yon lang isang ‘yun.

CHAVIT
: ‘Yon ang isa, di ba? Siento treinta milyon yon dapat mag-release pa para matakpan natin ‘yoon, di ba?

ATONG
: Okay

CHAVIT
: O...

ATONG
: So ang kailangan...

CHAVIT
: ‘Yon ang problema ko noon pa ‘yan, kaya kako mag-release siya para matakpan ko ‘yong kinuha mong hundred thirty million.

ATONG
: O, kaya ganito o... kailangan...

CHAVIT
: Paano mo ire-release ngayon ‘yun? Paano natin maayos ‘yan?

ATONG
: Di ganito.

CHAVIT
: E alangan naman, ibibitin niyo ako mag-isa.

ATONG
: Di ganito nga Gov... okay, ako naman kilala mo naman lalaki naman tayo mag-usap noong araw pa tayo, di ba?

CHAVIT
: Oo nga..

ATONG
: O paano?

CHAVIT
: ‘Yon lang isang ‘yon paano mo iso-solve ‘yan?

ATONG
: ‘Yon isa lang na siento treinta mil na sinsa... na pinag-uusapan?

CHAVIT
: O, o paano ‘yan, paano mo iso-solve ‘yon?

ATONG
: Itatanong ko sa kanya kung paano maigi.
* * *
ATONG: Kailangan pabor natin si Presidente. Di kalimutan na natin ‘to, para... importante paano, so problema mo yung siento treinta

CHAVIT
: Oo, ‘yong kinuha mo siento treinta milyon, di ba?

ATONG
: Ok...

CHAVIT
: O paano, paano natin tatakpan ngayon ‘yan eh nakabitin na ngayon.

ATONG
: Okay tapos.

CHAVIT
: Alam ko naman iiwanan nyo ako dyan eh..eh

ATONG
: Wala ng ibang problema, ‘yan lang.

CHAVIT
: ‘Yon ang problema ko inau-audit ako nyan eh. Kayong kumukuha nyan di ba?

ATONG
: O tapos, tapos pwede na kayo magbati. Pwede na kayo magkaibigan ulit.

CHAVIT
: Eh paano... siguro kung... alangan naman iiwanan nyo ako, o...o paano ‘yon, paano eh ‘yon lang paano mo iso-solve ‘yan?

ATONG
: Di sige..sige pag-isipan ko ‘yon no, tapos

CHAVIT
: Pag-isipan mo agad.a...eh..paano naman nyan, gusto nyo areglo agad tapos ibibitin nyo ako. Paano ‘yan.

ATONG
: Hindi, hindi ayus...kilala mo ako pag ako umayos tatapusin ko talaga. eh.

CHAVIT
: Paano mo aayusin ‘yan?

ATONG
: Kakausapin ko nga muna siya kung papano aayusin.

CHAVIT
: Paano ninyo aayusin ngayon ‘yon?

ATONG
: Kung sino makapagp-pro...makapagproduce na ibalik na lang ganun?

CHAVIT
: Hindi naman... kasi, di ba nung kinuha natin ‘yon eh, ‘yon lang problema ko paano nyo ibalik ‘yon eh, dapat mag-release ng tuloy-tuloy para mapagtakpan ‘yon eh wala na eh..nakalimutan na eh.
* * *
ATONG: Maliwanag na. Huwag ka na daw tumawag kay JV kasi tumatawag ka pa kay JV sinisiraan mo pa ako eh.

CHAVIT
: Ano? Oh, ikaw na naman.

ATONG
: Eh ikaw, alam mo ikaw hindi kita maiintindihan, kapag ikaw, alam mo ang sarap nung magkakaibigan pa tayo eh.

CHAVIT
: Ikaw kung magsalita ka "Governor Jueteng" sinasabi mo sa akin eh.

ATONG
: Ah, hindi. Pati ba naman ‘yon, putya.

CHAVIT
: Oh! ‘Yan ka na naman, ikaw ‘yan ang nagpapa-jueteng tapos ipagbibintang mo sa akin.

ATONG
: Alam mo, alam mo, mamaya na tayong mag-aaway pagkatapos na magkabati kayo. Tapos gusto mo awayin mo ako, okay lang, huwag lang madamay tatay ko, sige.
* * *
ATONG: Sinisiraan mo ako kay JV.

CHAVIT
: Bakit? Paano?

ATONG
: (laugh) Alam mo.

CHAVIT
: Ano?

ATONG
: Kay JV ka sumasama eh. Hindi sa akin. Eh utos naman ni ganito. Alam mo.

CHAVIT
: Paano kita sinisiraan kay JV?

ATONG
: Kausap mo nga si JV. Tawag ka raw sa bahay niya.

CHAVIT
: Oh oh

ATONG
: Oh tapos ako raw tawag ng tawag sa ‘yo, nakikiusap ako. Pambihira ka naman pala eh, sino-solve ko lang problema natin eh, sinisiraan mo pa ako.

CHAVIT
: Si JV?

ATONG
: Si JV. Si JV, anak niya.

CHAVIT
: Oh.

ATONG
: Tumawag sa kanya. Kinausap mo raw eh.

CHAVIT
: Kanina nag-usap kami, hindi naman alam na nag-usap tayo eh.

ATONG
: Sinabi mo raw eh.

CHAVIT
: Ano? Ano?

ATONG
: Sinabi mo raw na tawag ako nang tawag sa ‘yo.

CHAVIT
: Hindi ano. Ngayon lang tayo nag-usap.

ATONG
: Eh, ano ngang gagawin ko.

CHAVIT
: Kanina pa lang kami nag-usap.

ATONG
: Okay, okay, etong magiging solusyon.

CHAVIT
: Mmm.

ATONG
: Siya raw bahala sa COA. Aayusin daw niya lahat ‘yan. Ok.

CHAVIT
: (laugh) Wala akong problema sa COA, ‘no.

ATONG
: Hindi nga tatapusin nga niya ‘yan.

CHAVIT
: Hindi wala akong problema sa COA. Maski paimbestiga pa sa Amerika.

AKO ARING ATONG CHAVIT NAMAN PAANO WALA YON
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with