^
âWhite Christmas!â
Christmas 2009 in Venice (photo above), New Year 2010 in Milan. Ngayon, Christmas Wrapper este, Rapper ... in the house! Ngek
STAR/ File

‘White Christmas!’

ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - December 13, 2020 - 12:00am

Malapit na Christmas at mukhang aking Pasko

Ay magiging “White Christmas” dahil sa buhok ko!

Ang hindi ko alam at hindi sigurado —

Pababayaan ko na lang ba na ganito?

Pumuti na talaga ulo naming tatlo!

Nakakauban pala face mask mantakin nyo!

Ngek! Nakaka-white hair pag nasa house lang kayo!

Ayunnn, kaya pala WHITE HOUSE yun ang epekto!

‘Sabagay hitsura ‘di na namin problema!

Mabuti nga’t may puti pa kahit paano!

Yung iba nga “planting black rice” na mga ulo!

‘Tsaka dun din punta sa tagal namin dito!

Kaya mula ngayon ako na’y desidido,

Pababayaan ko nang buhok Silverado!

Isa lang naman magiging problema dito —

Yung kamukha mo si George Cloone eh ayoko!

Isa pang maganda pag puti na buhok mo —

Yun bang feeling mo ba araw-araw ay Pasko!

Di ang saya-saya! Ano, bakit ‘ikako?

Eh kamukha mo na si Santa Claus! Ho, Ho, Ho!

Itong nangyari sa buong mundo tingin ko,

Ilang mga pananaw ng tao’y nabago,

Lalo sa pakikipag-kapwa’t tungkol sa luho,

Maging kung ano man ang porma’t hitsura mo!

Mababawasan namumuna at kritiko,

Babalik sa pagka-simple maraming tao!

Basta bagong ligo ka la’t mukhang mabango,

Kahit mumurahin lang ang mga suot mo!

Sapagkat sa dinaraanan nating ito,

Na walang may alam kung kailan tigil nito,

Nasaksiha’t naranasan ng buong mundo

Kung ano mahalaga sa buhay ng tao!

Kaya ako, black T-shirt at white hair ka-terno!

Ya’y pagbalik sa APT naming Studio!

At isa na lang magiging “luho” siguro —

VIAJE! Luxury? Look, sorry ha, I don’t think so!

Ayan, Ang Poet Nyo tuloy naging suplado!

Eh yung Travel naman kasi break lang nung tao!

May problema pa nga sa nangyayaring ito —

Eh meron naman bang lilipad na eroplano?!

Halos sa buong mundo airports ay sarado!

True, kaya puro throwback na lang muna ako!

Layas na layas at lipad na lipad na ‘ko!

Sa’min nga PLAIN RICE, dahil tunog PLANE lang food ko!

Ngek! Op kors joke lang yun at overacting tagpo

At dinaraan na lang kung minsan sa biro,

Eh kasi nga ‘di ko naman itinatago,

Travel ay maintenance at oxygen ko lang po!

Paglalakbay kasi’y parang pag-aaral ‘no!

Hindi “blended learning” o pa-zoom-zoom lang ito!

ZOOM-masakay ng plane, not online but AIRLINE ‘to!

Para ‘kong nagpapaliwanag sa presinto!

Hay naku, mamumuti tuktok ko sa inyo!

Ngek! Puti na nga pala’t White Christmas na tayo!

Matulin pa sa Alas Dose’t Twelve Days to go!

Unahan ko na kayo, MALIGAYANG PASKO!

Isang patawa na lang ang gift ko sa inyo —

Maraming names si Santa Claus sa buong mundo

Ngunit sa England “Father Christmas” tawag dito,

Ang tanonggg … Ano naman tawag sa Misis nito?

Eh di WIFE CHRISTMAS! Sana’y laging HAPPY tayo

At nawa’y maging mapayapa buong mundo!

At sa Sanggol ng Dios na nagkatawang-tao,

Muli Sweet Baby Jesus, HAPPY BIRTHDAY TO YOU!

PASKO
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with