^

Entertainment

'ATM' (Ako'y Turista Magpakailanman)

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Ano, ’di ba kayo nasiraan ng ulo

Noong isang Linggo sa aking artikulo?

Pwede ba please na may magpaliwanag nito,

Kasi nagkibit-balikat na lamang ako.

Imagine this — 60 times na US visit ko!

Nag-aral du’t grumadweyt na anak ko’y tatlo!

Pero nung Marso nag-show Bulaga sa Frisco,

LAHAT MAY WORKING VISA PWERA LAMANG AKO!

Anak ng put your head on my shoulder pare ko!

Magugulo kahit sinong Ponsio Pilato!

Well, no problemo basta’t tourist na lang ako,

Ayaw lang nila ‘kong magpagod dun siguro.

 

Ibig sabihin nun pwede namang magpunta

Sapagkat meron naman akong tourist visa,

Subalit hindi po akong ubrang sumampa

Ng stage at mag-host o sumayaw o kumanta!

Nickname fruta na “mang” ay sa mangga ‘no ba ‘yan?

Eh ‘di mukha naman akong tanga dun bayan?!

What the what? Makikiupo sa audience na lang?

O sasabihin na may sore throat lalamunan?

 

At alam ba ninyo sinabi lang dahilan?

Tungkol daw sa akin konti lang information!

At eto pa nga eksaktong ikinatwiran —

Ako nga daw ay kulang sa qualifications!

 

May mga bagay ding ‘di mo na malalaman

Kung bakit nangyari at ano ang dahilan,

Sa kasong ito sagot nila ay ito lang —

Pwede ka namang mag-apply uli Starzan!

 

That’s Jako, Jio and Jocas at the other graduation at the Radio City Music Hall — Salute to the Class of 2012 for the Tisch School of the Arts. This time, suot naman ni Jocas yung graduation cap ni Jio. Eto yung anak kong babae na adik sa pag-aaral. Hindi po ako ‘yung lalaking maputi ang buhok sa likod... pero pumuputi na rin ang buhok ko sa pagpapa-aral sa mga ito.

At hanggang dun lamang ang masasabi nila

Ayon sa tinuran ng taga embahada,

Ako kaya’y napagkamalang terorista?

Sa isip mo’y bahala ka — ‘yan sagot nila.

 

At sa wari ko nga ay ‘yon lamang talaga —

Na siguro’y may kapangalang terorista,

Teka, meron bang terrorist na medyo tanga?

‘Di nga ako marunong mag-text eh! Bomba pa?

 

Ngunit higit at malamang sa’kin talaga

‘Yung isyung tungkol sa pagka terorista

At ang TV show na Wow Mali ang suspetsa

Dahil ako’y nangwa-Wow Mali… ERRORISTA?

 

‘Di mo naman pwedeng pakialaman sila —

Kanilang seguridad at intelehensya,

Sounds like din kasi terorista at turista,

Naku kawawang teachers… mga TURORISTA!

 

Nakakatakot din ang maging errorista,

Maling tingi’t pagkakamali may sabit ka,

Kawawa na naman mga teachers o hala —

Tulad ng guro… if I miss U… G-R-O na!

 

Hay naku po, tayo na lang ay magpatawa —

Red shirt, red pants, red shoes, red socks… ‘di TERNONISTA!

Adik, retokadong artista… TUROKISTA!

Kahit wala kang ginagawa… ZERORISTA!

 

Medyo lang nagtampo pero okey na ako,

Dahil nung May 8 bumalik ako dito,

O hindi ba nga’t ang dami kong naikwento?

Ang layo nga lang… mag-e-expire deodorant mo!

 

Ngek! At ‘yan ang mas delikado alam n’yo ba?

Pag deodorant ‘di na nag-work… wala nang bisa,

Walang working visa? Eh parang ako pala,

Dahil sa plane may PAPUTOK kang dala-dala!

vuukle comment

AKO

DAHIL

HELLIP

JIO AND JOCAS

LANG

LSQUO

MDASH

WOW MALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with