^

Bansa

Malakanyang mas ­hinigpitan seguridad

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Malakanyang mas ­hinigpitan seguridad
Riverfront Facade of Malacañang Palace as seen from Bahay Pangarap located right across the Pasig River.
Photo courtesy of Malacañang Photo Bureau

Dahil sa nahuling mga ‘spy’

MANILA, Philippines — Matapos na mahuli ang dalawang Chinese “spy”, mas hinigpitan pa ng Malakanyang ang seguridad sa Palasyo.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na hindi dapat balewalain ang mga ganitong ulat kaya dapat lamang na higpitan ang pagbabantay sa seguridad ng Presidente at ng Palasyo.

Sinabi pa ni Castro na hindi dapat maging kampante para hindi makompromiso ang seguridad ng Pangulo sa lahat ng pagkakataon.

“Yes of course nakakaalarma talaga ‘yang balita na ‘yan at pagpupursigihin pa natin at paiigtingin ang puwersa para masugpo ang mga sinasabi at napagbibintangang spies. Kailangan talaga na mas mapaigting ang  seguridad ng Palasyo at Pangulo,” pahayag pa ni Castro.

Magugunita na inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang umano’y Chinese spies at tatlong Pinoy dahil sa pang-eespiya sa Palasyo at iba pang vital installation ng gobyerno habang paikot-ikot sa Maynila.

CHINESE SPY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with