^

Bansa

‘Panda, Pusa at Maching’: 1,685 benepisyaryo ng confidential funds, walang rekord sa PSA

Malou Escudero, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 1,685 sa 2,669 recipients ng confidential funds ng OVP at DepEd noong 2022–2023 ay walang rekord ng kapa­nganakan, kasal, o pagkamatay sa civil registry.

Sa testimonya ni Assistant National Statistician Marizza Grande, lumitaw na kabilang sa mga pangalang nakalista sa liquidation documents ang mga indibidwal na hindi matunton sa PSA database — kabilang ang mga bata at matagal nang patay.

Bukod kay Mary Grace Piattos na walang anumang rekord sa PSA, nakita rin ang mga pangalang Arthur Baon, Beverly Claire Pampano, Matthew Keso, Charles Sampaloc Jr., Timon Pusa, Tomas Panda, Maxine Callos – lahat walang kapanganakan, kasal, o pagkamatay na nakatala.

Ipinakita rin sa mga acknowledgment receipt na iniharap sa paglilitis na may mga indibidwal na walang rekord sa civil registry na tumanggap ng malalaking halaga mula sa confidential funds ng OVP.

Kabilang dito si Danrick Otso, na sinasabing tumanggap ng P500,000; Matthew Keso, P250,000; Tina Maching, P250,000; Xiame Otso, P100,000; at Timon Pusa, P100,000.

Kinumpirma rin ng prosecution na 25 pa­ngalan sa liquidation records ay mga bata, tatlo sa kanila ay wala pang tatlong taong gulang.

Ayon kay Grande, may 152 entries na iisang katugmang rekord lamang ang lumabas sa Civil Registry System, habang may mga acknowledgment receipt na tumutugma sa marriage certificates pero hindi umano tugma ang mga lagda.

Si Duterte, na nagsilbing DepEd Secretary mula 2022 hanggang 2024, ay naglaan ng P112.5 milyon confidential funds sa DepEd at P500 milyon sa OVP.

FUNDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with