^

Bansa

Sanggol, 36 pang recipients ng spy funds ni VP Sara mga patay na

Malou Escudero, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 37 katao kabilang ang isang dalawang buwang sanggol ang nakalistang recipients ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte na ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay matagal nang patay.

Sa ika-22 araw ng impeachment trial, iprinisinta ng prosecution si PSA Assistant National Statistician Marizza Grande bilang ika-10 testigo sa Article 1 hinggil sa umano’y iregular na paggasta ng ?612.5 milyong confidential funds.

Sa direktang pagtatanong ni private prosecutor Mae Divinagracia, kinumpirma ni Grande na sa re-verification ng single-match entries, lumabas na 32 pangalan sa listahan ng OVP at 5 mula sa DepEd ay may opisyal na death certificates sa Civil Registry System.

“Doon po sa re-verification namin ng single-match entry, nakita po namin na doon sa mga pa­ngalan under the OVP (Office of the Vice President) ay mayroon po mga talaan kung saan may records na po ng mga kamatayan o death certificates po at 32 po ay nakita namin na mga official death certificates sa mga pangalan na ‘yun,” saad ni Grande.

Tinukoy ni Grande ang mga nakalistang patay na recipients na isang Marlin Sunga – namatay noong Nobyembre 2, 1965, na dalawang buwan pa lamang ang edad. Fortunato Salig – nakatanggap umano ng P200,000 reward, pero namatay na noong Hunyo 29, 2011; Emilio Sagan, 49-anyos – nakalista na tumanggap ng P70,000, pero patay na mula Hulyo 28, 2015; at Rodolfo Traya – nakatanggap umano ng ?120,000, pero namatay na noong Mayo 4, 2021.

Bukod pa rito, binanggit ni Grande na may 20 menor-de-edad sa OVP listahan at 5 menor-de-edad sa DepEd listahan na nakatala bilang recipients ng confidential funds.

Pinuna ng prosecution na ang OVP ay naglista ng 1,992 recipients para sa P500 milyong confidential funds, habang ang DepEd naman ay 677 recipients para sa P112.5 milyon.

FUNDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with