VP Duterte sa mga tagasuporta: ‘Huwag mag-alala, ‘wag ma-pressure’

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng mensahe si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga tagasuporta na umano’y mas nai-stress pa kaysa sa kanya sa gitna ng impeachment trial at mga kasong kinakaharap.
Ayon kay Duterte, napakarami ang nagpadala ng suporta, panalangin, at pag-aalala ngunit hindi niya masagot ang lahat dahil sa sobrang dami. “Sa taumbayan lamang ang tiwala ko, at malaki ang aking pasasalamat dahil patuloy ang inyong pagtitiwala sa kabila ng walang tigil na political harassment mula sa administrasyon ni Marcos,” aniya.
Dagdag pa niya, marami ang nagsasabing nai-stress na sila sa impeachment proceedings. “Gusto kong ipaabot sa inyong lahat na hindi ninyo kailangang mag-alala at huwag kayong ma-pressure,” giit ng Bise Presidente.
Tiniyak din ni Duterte na bagama’t hawak umano ni Pangulong Marcos ang mga senador, huwes, at pulis, marami namang abogado ang tumutulong sa kanya upang ipaglaban ang mga kaso.
Binanggit din niya na ang “totoong pressure” ay hindi ang impeachment kundi ang kakulangan ng kanyang naitutulong sa taumbayan sa gitna ng baha, kagutuman, mataas na presyo ng bilihin, at pagbagsak ng piso kontra dolyar na umabot na sa ?62.77 kada $1.
Sa huli, nagpasalamat si Duterte sa mga tagasuporta: “Daghang salamat kaninyong tanan sa inyong pagsalig, suporta, ug mga pag-ampo. Dili ko kamo kalimtan. Padayon nakong buhaton nga ibalik ang tapang at malasakit para sa atong nasud.”
- Latest


















