^

Bansa

Ombudsman lilipad sa France: Hahabulin nagtatago na mga opisyal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ombudsman lilipad sa France: Hahabulin nagtatago na mga opisyal
Building of the Office of the Ombudsman.
Ombudsman office via FB

MANILA, Philippines — Tutulak patungong France si Ombudsman Jesus Crispin Remulla upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon, matapos umanong ga­wing kanlungan ng ilang opisyal ng Pilipinas na may kasong graft ang naturang bansa.

Ayon kay Remulla, makikipagpulong siya sa justice ministry at iba pang opisyal ng gobyerno ng France upang iparating na hindi maganda para sa kanilang reputasyon ang maging “hiding place for ill-gotten wealth.”

“It’s not good to have the reputation of being a hiding place for ill-gotten wealth,” ani Remulla.

Binanggit ng Ombudsman na naroon sa Paris si dating kongresista Zaldy Co, na nahaharap sa kasong graft kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood-control projects.

Dagdag pa niya, nasa France rin si Senadora Loren Legarda na kasalukuyang naka-medical leave, at ang anak nitong si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na iniimbestigahan dahil sa kuwestyonableng solar power projects na dating hawak ng kanyang kompanya.

Ang Office of the Ombudsman ay nagsasagawa ng imbestigasyon laban kina Legarda at Leviste, habang si Co naman ay kinasuhan na ng plunder kaugnay ng flood-control projects.

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with