^

PSN Showbiz

Joseph nag-enjoy sa halik ni Polo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

 Mamahalin ng viewers ng La Lola si Gary, ang character ni Keempee de Leon sa nasabing comedy series ng GMA 7. Ayon sa actor, nag-effort siyang ibahin kay Harold sa Bahay Mo Ba ’To si Gary para ’di sabihing iisang gay role ang kaya niyang gawin.

Masaya raw ang mga eksena nila ni Wendell Ramos, ang padmate niya na kanyang pinagna­nasaan at ’pag may chance, kanyang tsinatsansingan. Sa original version, babae ang role niya, ginawa na lang bading sa Pinoy remake para mas masaya.

Samantala, very proud na ipinakita ni Keempee sa amin ang 21-year-old look-alike nina KC Concep­cion at Ciara Sotto na kanyang nililigawan. Nasa Canada ang half-Canadian at may Chinese, Filipino at Spanish blood beauty, kaya online ang panliligaw ni Keempee. Daily siyang nag-o-online para maka­usap ang nililigawan na ayaw sabihin ang pangalan.

* * *

Sa pag-amin ni Carlene Aguilar na boyfriend na niya si Yo Ocampo, manood pa kaya ang mister­yo­song lalaking nakita namin last Saturday sa Celebrity Duets 2? Halatang in love kay Carlene ang lalaki dahil nang mag-perform siya, nakatitig ito sa kanya and later on, nakita naming nagbigay ng isang plastic bag ng ensaymada sa kanyang ina.

Sa mga supporters ni Carlene ibinigay ng kanyang ina ang iniregalong bag ng ensaymada na ipinaabot ng lalaki sa kanyang alalay. Sino kaya ang mahiwa­gang lalaking ’yon?

* * *

Cute ang panawagan ni direk Joel Lamangan na tulungan silang ma-promote ang digital film na Walang Kawala dahil isa siya sa mga producers na kinabibilangan din nina Manny Valera, Polo Ravales, Arnold Vegafria at Leo Dominguez. Mas marami pa raw silang mapoprodyus na magagandang pelikula ’pag bumalik ang kanilang capital.

Ipinagmamalaki ng mga producers na hindi nila tinipid ang pelikula at hindi nga halata sa texture at feel ng movie na five days ito ginawa. “Disturbing moving film” ang description ni Manny sa pelikula na ang ending ay laging nagpapaiyak sa kanya.

Sa November 12 ang regular showing nito sa Manila, Cebu at Bacolod at sa November 6, sa UP Film Institute ang screening ng director’s cut. Nasa YouTube na ang bolder version ng trailer ng movie at mapapanood ang mapangahas na love scene nina Polo at Joseph Bitangcol.

Ilan sa mga eksenang aabangan ay ang love scene at kissing scenes nina Polo at Joseph na nang tanungin kung anong lasa ng labi ng isa’t isa’y parehong ‘malambot’ at ‘basa’ ang sagot. Nagbiro pa si Joseph na mas masarap kahalikan si Polo kesa kay Sandara Park, his ex.

vuukle comment

ARNOLD VEGAFRIA

BAHAY MO BA

CARLENE

CARLENE AGUILAR

CELEBRITY DUETS

CIARA SOTTO

FILM INSTITUTE

JOEL LAMANGAN

KEEMPEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with