^

PSN Showbiz

David, tinuruang ngumiti ni Ashtine

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
David, tinuruang ngumiti ni Ashtine
David Licauco at Ashtine Olviga

Nagkatambal sina Ashtine Olviga at David Licauco para sa Philippine adaptation ng Fight for My Way.  Ayon sa Kapuso actor ay talagang paulit-ulit niyang pinanood ang natu­rang Korean drama series.

“I was invited to Viva to meet up with them. Tapos in-offer nga sa akin itong Fight for My way. So ready na talaga siya. Ipinakita sa akin ‘yung deck, ‘yung presentation. Dream ko talaga mag-play (ng role) sa isang Korean adaptation. Favorite series ko na paulit-ulit kong pinapanood. Ang actor si Park Seo-joon talaga. Automatically, of course, gusto kong gawin,” nakangiting bungad sa amin ni David sa Fast Talk with Boy Abunda.

Napapanood na ngayon sa Viva One ang bagong serye nina Ashtine at David. Nang unang nagkita at nagka­kilala nang personal ang dalawa ay kaagad naramdaman ni David na magkakasundo sila. “Nahiya lang din ako. Okay naman, actually, mabait talaga si Ashtine. Saka funny, positive person. So nahahawa ako sa positivity niya as a person. Saka tinuturuan din niya akong mag-smile. Kasi intimidating (ang hitsura ko), nakakapagod kayang mag-smile. So ganyan (seryoso) lang ako, eh mukha palang masungit. So sinabi sa akin ni Ashtine na, ‘Mag-smile ka,’” kwento ng Kapuso actor.

Matatandaang si Barbie Forteza sa Pulang Araw, at Jillian Ward sa Never Say Die ang mga huling nakatambal ni David. Para sa Kapuso actor ay kakaiba rin ang atake ngayon ni Ashtine pagdating sa trabaho. “Relax lang, fun to be with. Sa acting din nakakatuwa siyang kaeksena kasi ‘yung mga binibigay niya sa iyo, iba-iba. You have to be on my toes all the time. Para maka-react do’n sa mga binibigay niya sa akin.

“Instinctive, parang bigla siyang gagawa ng something na based lang sa naisip niyang gawin na wala sa script and in the moment,” pagbabahagi ng Pambansang Ginoo na umaasa si David na patuloy siyang susuportahan ng mga tagahanga nila ni Barbie.

“Lubos ang pasasalamat ng Kapuso actor sa patuloy na nagmamahal sa tambalang Bar-Da. “Hopefully they support us. I understand naman na ‘yon ‘yung niru-root for nila. And wala rin naman kami sa position na ‘to kung wala ‘yung past na naka-work namin. So grateful ako sa napagsamahan namin ni Barbie. But hopefully they give this Fight for My Way team-up a chance,” giit ng binata.

Samantala, nagbigay ng reaksyon si David tungkol sa online bashing. Para sa aktor ay kailangang maging maingat ng isang indibidwal upang hindi masangkot sa ano mang mapanirang mga salita mula sa netizens. “Well, I hope na mas maging understanding tayo. Kasi ang feeling ko ngayon, mahirap magkamali. It’s nice na may freedom of speech. Pero sana i-filter, sana hindi hates. Kasi we’ll never know kung ano ang pwedeng maramdaman ng tao, do’n sa mental sides of things.

“Sana maging positive lang siguro. Saka feeling ko kasi ‘yung failure, ‘yon ‘yung pinaka-one of the best teachers to be successful. Ngayon, kung takot ka mag-fail, how can you be a better individual,” makahulugang pahayag ni David. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with