^

Police Metro

Sagupaan sa Zambo: Sundalo, 5 terorista todas

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang sundalo ang na­sawi at 5 miyembro ng tero­ristang Dawlah Isla­miya-Maute Group (DI-MG) matapos magkasagupaan ang mga ito nitong Miyerkules sa Lanao del Sur.

Ayon kay Lt. Col. Ro­mulus Rabara, commander­ ng 5th Infantry Battalion-PA, nasawi si Corporal Rutevic Jaralve ng Zamboanga del Norte habang sugatan ang ilan sa mga kasamahan nito.

Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng limang nasawi na miyembro ng DI-MG na pinangunahan ng isang Abdullah.

Batay sa report, alas-8:00 ng umaga ng Miyerkules nagsimula ang matinding bakbakan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Ragayan, Butig, Lanao del Sur.

Bago ang bakbakan ay nakatanggap ng sumbong ang mga sundalo mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga armadong grupo na paniniktik at nag-iimbak ng mga construction materials at pagkain sa naturang lugar.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang tropa ng pamahalaan at nagpa­kawala ng Field Artillery Battalion, 2-AW-109 attack helicopters ang Phi­lippine Air Force’s Tac­tical Operations Group.

Tumagal ng 4 na oras ang sagupaan na ikinamatay ng 5 terorista at isang sundalo.

vuukle comment

ENCOUNTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with