^

Police Metro

Kelot na nakaupo sa bangketa, dedo sa saksak

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Kelot na nakaupo sa bangketa, dedo sa saksak
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente, alas-10:30 ng gabi sa harap ng isang supermarket sa panulukan ng EDSA at K-10, Barangay West Kamias, Quezon City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki nang pagsasaksakin habang nakaupo sa bangketa, harap ng isang supermarket sa Brgy. West Kamias, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 30-35, may taas na 5’5, balingkinitan, at may tattoo na “RATOS LOCOS” sa dibdib, at “JHOED BAHALA NA GANG” sa kanang balakang.

Itinuturo namang suspek ang isang nagngangalang “Lakay”, na nasa 35-40 anyos at payat ang pangangatawan.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente, alas-10:30 ng gabi sa harap ng isang supermarket sa panulukan ng EDSA at K-10, Barangay West Kamias, Quezon City.

Ayon sa saksing si Jay R Roquino magkatabi silang nakaupo ng biktima nang biglang lumapit ang suspek nang biglang bumunot ng patalim at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang sa bumagsak. Mabilis namang tumakas ang suspek.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa krimen.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with