^

Police Metro

Manibela, magsasagawa ngayon ng tigil-pasada

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong araw ay muling nagkasa ng transport strike ang grupong Manibela kasunod ng pagtatapos ng 3-araw na nationwide transport strike na idinaos ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) at iba pang labor groups mula Abril 29 hanggang Mayo 1.

Ayon kay Mar Valbuena, lider ng Mani­bela, hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na pakikinggan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang panawagan na itigil ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Matatandaang pormal nang nagtapos ang franchise consolidation deadline na unang bahagi ng PUVMP noong Abril 30.

Una na ring nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeepneys na bigong tumalima sa konsolidasyon ng prangkisa na ikokonsidera na silang kolorum sa pagtatapos ng naturang deadline.

Nakatakdang simulan na umanong hulihin ng LTFRB ang mga kolorum na sasakyan sa ikalawang linggo ng Mayo at papatawan ng kaukulang penalties.

vuukle comment

TRANSPORT STRIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with