^

Police Metro

Marcos, pinarerepaso sa regional wage board ang minimum wage rate sa bawat rehiyon

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos, pinarerepaso sa regional wage board ang minimum wage rate sa bawat rehiyon
Workers continue operations at a construction site along GMA Drive in Quezon City on April 30, 2024.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Magsagawa ng rebyu sa tinatanggap na minimum wage ng mga manggagawa sa kani-kanilang mga lugar.”

Ito ang iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board na naging talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Inihayag nitong dapat gawin ang hakbang bilang konsiderasyon na rin sa epekto ng inflation.

Dapat aniyang gawin ito sa loob ng 60 araw bago ang pagsapit ng anibersaryo ng pinakahuling wage order.

Kasama rin ang National Wages and Productivity Commission sa binigyang direktiba ng Pangulo na magsuri ng kanilang tuntunin upang matiyak na napapanatili ng board nito ang inaasahang schedule ng wage review at paglalabas sa resulta nito.

Ito ay upang maiwasan ang kawalan ng katiyakan at mas mapahusay ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga stakeholder.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with