^

Police Metro

6 katao inaresto sa Labor Day rally

Mer Layson - Pang-masa
6 katao inaresto sa Labor Day rally
Nagsagawa kahapon ang iba’t ibang grupo ng manggagawa ng protesta sa Labor Day sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at hinihiling sa pamahalaan na itaas ang kanilang sahod.
John Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang anim na katao nang magkagirian ang grupo ng mga raliyista at mga pulis sa Maynila nitong Labor Day, na sinalubong ng kaliwa’t kanang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo.

Kabilang sa mga ina­resto ay limang lalaki at isang babae na isinailalim muna sa medical exa­mination bago tuluyang binitbit sa Manila Police District (MPD) headquarters upang isailalim sa imbestigasyon.

Batay sa ulat, pasado alas-12:00 ng tanghali nang makalusot sa mga pulis ang daan-daang mili­tante matapos na si­rain ang barikada at tangkaing makalapit sa US Embassy na matatagpuan sa Roxas Boulevard sa Ermita, Manila, bitbit ang isang malaking effigy ni Pang. Marcos Jr..

Hinadlangan naman sila ng mga pulis, na nauwi sa tensiyon, girian, tulakan at pag-aresto.

Ang naturang insidente ay nagdulot ng pagtigil ng daloy ng trapiko sa Roxas Boulevard.

vuukle comment

LABOR DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with