Shootout: 3 karnaper utas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng robbery/holdup, carnapping gang ang napaslang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bisinidad ng Barangay Palusapis sa Muñoz City, Nueva Ecija kamakalawa.

Isa sa tatlong napatay ay nakilalang si Lazaro Reyes III, 20, ng Purok 2, Brgy. Malapit sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Rudy Lacadin na isinumite sa Camp Crame na nagsagawa ng follow-up operations ang mga ope­ratiba ng pulisya kaugnay sa ninakaw na motorsiklo sa nasabing barangay nang mamataan ang nawawalang motorsiklo na nag-match sa kanilang hinahanap.

Kaagad na pinahinto ng mga pulis ang tatlong sakay ng motorsiklo upang isailalim sa inspeksyon pero sa halip na sumuko ay agad pinaputukan ang mga awtoridad.

Nauwi sa palitan ng pu­tok kung saan sa kasagsagan ng palitan ng putukan ay isa-isang bumulagta ang tatlo.

Narekober sa tatlo ang cal. 9mm pistol, itim na sling bag na may mga susi, set ng mga silver na hikaw, asul na wallet, mga IDs, cal. 38 revolver, dalawang cellphone, relos, silver na kuwintas, silver na singsing, itim na holster, itim na  bonnet, tatlong plastic sachet ng shabu, cal. 45 pistol, Granada at iba pang gamit.

ACIRC ANG ATILDE BARANGAY PALUSAPIS CAMP CRAME CHIEF SUPT LAZARO REYES MGA NUEVA ECIJA RUDY LACADIN SAN ISIDRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with