^

PSN Opinyon

Mga payo para mapalakas ang immune system

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kapag mahina ang ating katawan, madali tayong tatamaan o dadapuan ng kung anu-anong sakit gaya ng coronavirus. Sa ganitong sitwasyon, ang tanging panlaban­ ay ang ating immune system.

Ano ba ang immune system?

Ito ‘yung resistensiya at lakas ng ating katawan. Kapag malakas ang ating immune system, hindi tatalab ang virus at mikrobyo.

Paano palalakasin ang immune system? Narito ang aking mga payo:

l Matulog ng 7-8 oras bawat gabi. Kung kaya mong matulog ng mas mahaba ay okay din. Sa pamamagitan ng tulog, naghihilom ang organs ng ating katawan. Kung hindi ka makatulog, mahiga na lang at ipahinga ang isip. Lalakas ka na rin.

l Relaks lang sa pagtatrabaho at sa mga gawaing bahay. Puwede mo naman gawing mas magaan ang iyong trabaho. Gawin mo lang ang kayang magagawa. Hindi kailangang magmadali palagi.

l Huwag gaanong mag-isip at maging aburido. Maging mas mapasensiya.

l Kumain ng masustansiyang pagkain. Ito talaga ang panlaban natin sa mga sakit. Ang pagkain ng berdeng gulay, sari-saring prutas gaya ng saging, mansanas, dalandan at isda ay nagpapalakas ng katawan.

l Kumain sa tamang oras. Huwag magpakagutom. Kumain ng agahan. Ito ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Ang sabi nga ay “Kumain ng breakfast na parang isang hari. Tanghalian na parang isang prinsipe. At hapunan na parang pulubi.” Subukang mag-meryenda ng prutas tulad ng isang saging o mansanas.

l Uminom ng 8-12 basong tubig. Ang tamang pag-inom ng tubig ay mga 1 basong tubig bawat dalawang oras. Huwag hayaang matuyo o ma-dehydrate ang iyong katawan. Panatilihing maputi at malinaw ang kulay ng iyong ihi. Ito ang palatandaan na sapat ang tubig sa iyong katawan. Paggising sa umaga, ugaliing uminom ng 1 basong tubig.

l Puwedeng uminom ng multivitamins. Kahit anong vitamins ay makatutulong sa iyo. Mas mura ang mga vitamins sa generics na botika. Halos P2 ang isang tableta.

l Maging positibo ang pananaw. Magdasal sa umaga at pasalamatan ang Diyos sa mga biyayang ibinigay Niya sa atin. Isiping magiging maganda ang iyong araw at siguradong susuwertehin ka sa araw na ito.

l At siyempre, kailangan ding kumunsulta sa doktor. Kung mayroon kang sakit gaya ng diabetes, altapresyon, at iba pa, kailangang magpatingin sa doktor para mabigyan ng tamang gamot at nang gumaling at lumakas ang katawan.

vuukle comment

DOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with