^

PSN Opinyon

Egay, Mike at Prinsipe, paldo sa Pasay City!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

ANYARE Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano Mam?

Hindi pa nga nalusaw ang taguring “Sin City” ang siyudad, nasundan naman ito ng hindi magandang tunog na “POGO hub.” At ngayon naman ay “scam hub.”

Kawawang Pasay! Parang ginawa nang negosyo ng mga pulitiko itong siyudad.

Kasi nga mga kosa, ang palaging binabanggit na pa­ngalan na nasa likod ng ilegal o katiwalian sa siyudad ay itong “tatlong itlog” na sina Egay, Mike at Prinsipe.

Kung seryoso itong si Mayor Calixto-Rubiano na linisin­ ang kanyang siyudad, iwasiwas lang n’ya ang kanyang kamay na bakal laban dito kina Egay, Mike at Prinsipe, at…presto ma­wawalis ang mga ilegal.

Gaya nitong “scam hub” na ni-raid ng Fugitive Search  Unit ng Bureau of Immigration na natuklasang may sapat na permit ito para mag-operate. At tama ang hula n’yo mga kosa, at “tatlong itlog” ang kumita. Purbidang yawaahhhhh!

Teka, teka! Baka puwedeng paimbestigahan ni Interior Secretary Jonvic Remulla kung bakit naging pugad ng katiwalian itong siyudad ni Mayor Calixto-Rubiano? Sinabi ng mga kosa ko na “all in the family” na ata ito? Dipugaaaaa!

Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa raid ng BI nitong Biyernes, 17 dayuhan at isang Pinoy ang nadagit. Ang bahay na nirentahan ay nai-convert na parcel “scam hub.” Nakumpiska ang mga uniporme ng Japanese police, pekeng tsapa, at mga script, at kasama na dito ang mga laptop at cellphones. Sanamagan! Get’s n’yo mga kosa?

May pitong enclosed cubicle dito kung saan namumugad ang mga suspects para hindi madinig ng katabi ang usapan nila ng biktima. At nasa lamesa nito ay nakapatong ang mga script kung ano ang dapat sabihin sa mga bibiktimahin at pati ang dapat kikitan nila sa isang buwan. Anong sey n’yo mga kosa?

Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ganito pala ang sistema ng raket! Tatawagan ang biktima sabay sabing may parcel na dumating sa address nila. Pagkatapos, sasabihing may nakitang kontrabando sa loob ng parcel at tatakuting aarestuhin sila at ipapakita ang uniporme ng Japanese police at maging ang tsapa. Araguyyyyy! Siyempre, gaybi ang mga biktima. Mismooooo!

Mga kosa, sana malinis ni Mayor Calixto-Rubiano ang Pasay ng ilegal! Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with