^

PSN Opinyon

Pelikula patok sa Gen Z

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Maaksyong taon ito para sa industriya ng pelikula sa mundo. Limang films na ang humamig ng $1 bilyon sa global box office, at tatlo ay mahigit $500 milyon. Naka-ambang blockbusters din ang paglabas ng “Avengers: Doomsday” at “Dune: Part Three”, anang Economist.

Mas mababa pa rin ang global sales ngayon kaysa noong bago mag-pandemic. Pero inaasahang pumalo sa #35 bilyon ang global box office. Mas mataas ito ng 7% kaysa nu’ng 2025.

Mga nakababatang henerasyon ang bumubuhay sa peli­kula.  Dumadagsa sa sinehan ang mga Gen Z at Millennials­. Maraming nag-akala noon na maglalaho na ito dahil sa Net­flix, Youtube, at Tiktok. Pero sa Amerika 90% ng Gen Z ay nagsine nu’ng 2025, anang Fandango survey. Naka-pitong panood sila, kumpara sa 6.1 beses ng Gen X at 5.7 beses ng Baby-boomers.

Photo generated by Gemini

Kabataan ang dahilan kaya kumita ng $360 milyon ang “Spiderman: Brand New Day” nu’ng unang araw pa lang nu’ng July. Dinaig ang “Avengers: Endgame” nu’ng 2019. Halos dalawang katlo ng nanood nu’ng unang linggo ay edad 18-34, kaya pumalo ang gross sales sa $1.7 bilyon.

Sinuri ng Economist kung bakit gan’un. Una sumisikat ang cinema dahil sa teknolohiyang inakalang papatay rito – ang social media. Pero mainit sa online ang usapang pelikula. Kalahati ng kabataan sa Europe ang nagsabing natuklasan nila sa Tiktok ang mga bagong lalabas na sine.

Nagba-viral ang ilang pamagat. Nagbunsod ang “Minions: The Rise of Gru” ng grupo-grupong binatilyo na nanonood na nakasuot ng pormal at tinatawag ang sariling “GentleMinions”.

Nakaka-FOMO rin o fear of missing out ang socmed. Merong Letterboxd na listahan ng kung ilan na ang napanood sa isang taon. Naging happening na rin ng barkadang Gen Z ang pagsisine. Ginagastahan nila ang malalaking supot ng popcorn at upuang naihihiga. Ibang-iba ang higan­teng telon kaysa maliit na mobile screen.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with