^

Bansa

'Multi-day elections' sa 2022 inaaral ng gobyerno kontra COVID-19 transmissions

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Sinisilip ngayon ng pamahalaan ang posibilidad ng ilang araw na eleksyon sa susunod na taon para maiwasan ang malalakihang kumpulan ng tao, bagay na maaari raw kasing pagmulan ng hawaan ng nakamamatay na COVID-19.

Ito ang isiniwalat ni vaccine czar at Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr. sa panayam ng "Kapihan sa Manila Bay" ngayong Miyerkules.

"So we are looking at the possibility that the elections would be a multi-day election, not a single-day election, so that we can prevent the possible conglamerations of thousands of people in the precincts," ani Galvez kanina.

"The [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] and the [National Task Force Against Covid19] are working together with the Comelec so that we can have a scheme that we can minimize 'yung tinatawag na superspreader transmissions on the registration and also during the time of election."

Aniya, nakita na raw kasi sa kasaysayan na malaki ang naging epekto ng national elections sa COVID-19 situation ng Estados Unidos at India ngayong pandemya, kung kaya't nais ng gobyerno maiwasan ang matinding hawaan ng virus.

Lunes lang nang madagdagan ng 22,366 bagong COVID-19 cases sa bansa sa iisang araw lang, ang pinakamataas na pagtalon ng infections sa kasaysayan ng Pilipinas.

Hindi pa naman masabi sa ngayon ni Galvez kung ilang araw ang nais ilaan ng gobyerno para sa multi-day elections na ito. Sa kabila nito, may karanasan naman na raw ang bansa sa pagsasagawa ng halalan labas sa karaniwang petsa nito tuwing Mayo.

"Maybe geographic ang gagawin po natin for Luzon eto 'yung ano natin, for Visayas, for Mindanao. Pwedeng ganoon," sambit pa ng kalihim.

"There are many options that we can [do] to guarantee the safety of our electorates."

Mahirap na raw aniya na magkasabay-sabay sa iisang lugar ang mga tao, lalo na't nasa 19-20 milyon diumano ang maituturing na electorate ng Pilipinas o yaong mga maaaring makaboto.

Kailangan ng batas

Sa kabila nito, kakailanganin daw ng panibagong batas para maisagawa ang naturang multi-day elections. Pero sa pagtataya ni Galvez, kayang-kaya pa naman ito maipwesto ng lehislatura.

"I think we have plenty of time [to amend the law]. We will collectively plan this with the Comelec and also maybe with the Senate and the Congress," patuloy pa niya.

Voter registrations balik sa MECQ areas

Kanina lang nang ianunsyo ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez na inaprubahan na ng en banc ng polling body ang voter registrations sa mga erya na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula ika-6 ng Setyembre.

Maaari rin daw i-tap ng komisyon ang mga shopping malls para sa naturang pagpaparehistro.

Sa mga naunang resolusyon ng Comelec, sinabing papayagan lang ang mga registration sa mga lugar na nasa ilalim ng mas maluluwang na general community quarantine (GCQ) o modified GCQ (MGCQ).

Nangyayari ang lahat ng ito habang hinihikayat naman ng maraming progresibong grupo na i-extend ng Comelec ang registration period.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

CARLITO GALVEZ JR.

COMMISSION ON ELECTIONS

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with