^

Bansa

PCG, walang planong gumanti sa China

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PCG, walang planong gumanti sa China
Members of the Chinese Coast Guard (CGG) were seen roving around the Rozul Reef in Palawan as they patrol the area on April 21, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

Kahit binomba ng tubig

MANILA, Philippines — Wala umanong plano ang Philippine Coast Guard (PCG) na gumanti sa China, sa kabila nang pambo­bombang ginawa nito sa dalawang barko ng Pilipinas, na inilarawan nitong ‘very fatal,’ habang nagpapatrulya at nagsasagawa ng humanitarian mission sa West Philippine Sea (WPS) kamakalawa.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, tatalima sila sa payo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na manatiling propesyunal at hindi gaganti nang pambobomba ng tubig sa Chinese Coast Guard (CCG).

“Ano ang strategic value ng water cannon? Makikipagbasaan ng tubig? Is that our game plan here? Obviously not,” pahayag pa ni Tarriela.

“We’re not going to be the reason to escalate the tension. We’re not going to be the reason to be an excuse for the Chinese government to bring in their warships and elevate the tension, sasabihing tayo ang nagsimula ng gulo,” dagdag pa niya.

Inilarawan din ni Tarriela na ‘very fatal’ ang ginawang pambobomba ng CCG sa mga barko ng Pilipinas.  “Well, if we are going to look at how it bent the railing of the Philippine Coast Guard vessels because of the water cannon, obviously that would be very fatal,” dagdag pa niya.

Nagpapakita rin ito ng mas pinatinding agresyon ng CCG at nagdulot ng sira sa metal railings at canopy ng BRP Bagacay gayundin sa starboard astern ng BRP Datu Bankaw.

Nabatid na tinamaan din ng naturang pambobomba ang communication at navigation systems ng mga naturang barko.

Matatandaang nagpapatrulya at nagsasagawa ng humanitarian mission ang mga naturang barko upang maghatid ng langis at pagkain sa mga mangingisdang Pinoy sa Panatag Shoal nang bombahin sila ng tubig ng mga barko ng CCG.

Sa kabila nito, hindi umano nagpatinag ang mga PCG at ipinagpatuloy ang pagpapatrulya sa naturang lugar.

Paniniguro pa ni Tarriela, hindi sila mapipigilan ng China at patuloy pa rin silang magpapatrulya sa naturang lugar at mamimigay ng ayuda sa mga ­mangingisda, kasabay nang paninindigan na ang WPS ay pagmamay-ari ng Pilipinas.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with