^

Bansa

Sahod ng manggagawa pinarerepaso ni Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sahod ng manggagawa pinarerepaso ni Marcos
Nagmartsa ang iba’t ibang labor unions sa Metro Manila para ipanawagan ang taas sa sahod sa paggunita kahapon sa Labor Day. Nagtipon ang grupo sa España Boulevard at Recto Ave. sa Manila, at Mabuhay Rotonda sa Quezon City, saka nagtungo sa Mendiola.
John Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na rebisahin at pag-aralan ang minimum wage ng mga manggagawa sa bawat rehiyon.

Inihayag ito ng ­Pangulo sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa kahapon na ginanap sa Malakanyang.

Binigyan din niya ang RTWPB ng 60-araw para tapusin ang pag-aaral bago ang anibersaryo ng kanilang pinakahuling wage order.

“As President, I call upon the Regional Tripartite Wage and Productivity Board, to initiate a timely review of the minimum wage in their respective region with due consideration to the impact of inflation among others, within 60 days prior to the anniversary of their latest wage order,” wika ng Pangulo.

Ang kanyang kautusan ay bilang pagtugon sa epekto ng inflation sa halaga ng iniuuwing sweldo ng mga manggagawa kaya sa gagawing pag-aaral ay dapat ikonsidera anya ang epekto ng inflation at iba pang mga dahilan na nakakaapekto sa pang-araw araw na buhay ng mga Pilipino.

“I call on the National Wages and Producti­vity Commission to review its rules to ensure that the boards are able to maintain a regular and predictable schedule of wage review, issuance and effectivity to reduce uncertainty and enhance fairness for all stakeholders,” pahayag ng Pangulo.

Kaugnay nito, nanawagan ang Pangulo sa Kongreso na gumawa ng mga batas para maiangat ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.

“Nananawagan ako sa Kongreso na magpasa ng mga batas na susuporta sa pagkamit ng ating agenda sa paglikha ng mga trabaho, kabilang ang Enterprise-based Education and Training Program law, ang Revised Apprenticeship Program Act, at ang CREATE MORE law o ang batas sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy,” pahayag niya.

Nauna nang nilagdaan ni Marcos ang Republic Act No. 11962, o ang Trabaho Para sa Bayan Act noong Setyembre 27, 2023, na naglalayong tugunan ang unemployment, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.

Ang Trabaho Para sa Bayan-Interagency Council, NEDA, ay naatasang bumuo ng master plan ng bansa para sa pagbuo at pagbawi ng trabaho. Upang mabawasan ang epekto ng inflation, nagbigay ang gobyerno ng emergency na trabaho sa 5.66 milyong benepisyaryo sa pamamagitan ng Tulong Pangkabuhayan sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) mula Hulyo 2022 hanggang Pebrero 2024.

Ang Technical Education and Skills Development Program (Tesda) ay nagpatala ng 2.65 ­milyong indibidwal sa ilalim ng reskilling at upskilling program nito. May 1.43 milyong indibidwal din ang nasuri, at 1.36 milyon ang na-certify.

Para matiyak ang seguridad sa trabaho, naglaan ang DOLE ng P9.18 bilyon sa Fiscal Year 2024 budget para sa mga programa nito na naglalayong pataasin ang employability.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with