Huwag nang baguhin
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - October 23, 2016 - 12:00am

Ngayong natapos na ang bagyo at ulan

Lumitaw sa ulap ang dakilang araw;

Mga mag-aaral na nasa tahanan

Humahangos ngayon tungo’y paaralan!

 

Halos isang linggong nawalan ng pasok

Mga mag-aaral sa binahang pook;

Mga paaralang di-lubhang nalubog

Mga nagsilikas ang nasa sa loob!

 

Kaya nga paanong mga kabataan

Matatapos agad kursong nagustuhan?

Sungit ng panahon masaganang ulan

Di kayang salagin nitong sambayanan!

 

May mga mungkahing ang school opening

Buwan ng Setyembre na lang daw gawin;

Pero ang Setyembre ay maulan pa rin –

Mungkahi ng awtor huwag na lang baguhin!

ADONG HAGUPIT
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with