Col. Versola, COPs at DEU cops, pasado sa drug test!
Maganda ang simula ni Col. Dexter Versola, ang bagong upong hepe ng Zambales Police Provincial Office. Owwwww!
Hindi lang kasi si Versola mga kosa, ang nagnegatibo sa surprise random drug test na ikinasa n’ya noong Nobyermbre 16, kundi maging ang mga Chief’s of Police at mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU). Bonggaaaaa!
Isinagawa ng Zambales Forensic Unit ang pagsusuri bilang bahagi ng pinaigting na paglilinis sa hanay ng kapulisan, ayon sa programang internal cleansing na isinusulong nina PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. at PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez. Get’s n’yo mga kosa?
Kung sabagay, simple lang ang prinsipyo: Kung ikaw ang nanghuhuli ng sangkot sa ilegal na droga, dapat ikaw mismo ay malinis. Ganun na nga!
Para kay Versola, hindi sapat na mahusay lamang sa operasyon ang isang pulis. Kailangan ding walang bahid ang kanyang integridad at pananagutan sa tungkulin. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kaakibat din ang drug testing ng proyekto ni Versola na TEAM leadership program — Transformational Leadership, Empowerment, Accountability, at Mission Excellence, na naglalayong itaguyod ang disiplinado, responsable, at propesyonal na kapulisan. Wow na wow!
Magandang balita ang negatibong resulta ng pagsusuri. Ngunit hindi rito nagtatapos ang pagbabantay. Kung sabagay, subsob kaagad si Versola sa trabaho. Upang mapaganda ang koordinasyon n’ya sa LGUs, hindi nagpahuli sa oras ang opisyal at sinimulan na ang serye ng courtesy visits sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Kabilang dito ang kanyang pagdalo sa Provincial Peace and Order Council na pinangunahan ni Gov. Hermogenes E. Ebdane Jr. Dipugaaaaa!
Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Nakipagpulong din si Versola kay DPWH District Engr. Magiting A. Cruz upang talakayin ang mga planong pagpapaunlad ng mga pasilidad ng pulisya sa lalawigan.
Ang mahalaga, hindi lang puro courtesy calls at plano. Dapat may konkretong resulta na mararamdaman ng mga Zambaleño. Ayos ba mga kosa? Abangan!
- Latest















