4 pulis, 1 pa tiklo sa buy-bust sa Subic Freeport
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang apat na aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) at 1 sibilyan nang salakayin kahapon ng madaling araw ang isang shabu labarotory sa loob mismo ng Subic Freeport Zambales.
Kinilala ang mga naarestong pulis na sina PLt. Reynato Basa, Jr.; P/Cpl. Gino Dela Cruz; P/Cpl. Edesyr Alipio; P/Cpl. Godfrey Parentela, pawang mga miyembro ng Olongapo City Police Office-Drug Enforcement Unit at sibilyang si Jericho Dabu.
Bago ang ginawang pagsalakay, ala-1:00 ng madaling araw sa Finback Street, West Kalayaan, SBMA Freeport Zone ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad at dito ay naaresto ang limang suspek na nagresulta ng pagkadiskubre ng shabu laboratory na sinasabing may production capacity na isang kilo ng shabu araw-araw.
Narekober sa lugar ang isang kilo ng hinihinalang shabu, mga cellphone, at iba’t ibang laboratory equipment sa paggawa ng shabu. Pati na ang apat na Glock 17, 9mm pistol ng mga pulis.- Raymund Catindig
- Latest