^

Police Metro

Magtiyahin patay sa heat stroke

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Bangkay naaagnas na…

MANILA, Philippines — Posible anyang na­matay sa heat stroke ang magtiyahin na nadiskubreng kapwa naa­agnas ang bangkay sa loob ng kanilang bahay, kama­kalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang mga bik­tima na sina Nora Tiongson y Torralba, 72, isang  senior citizen at Gerald Kinsky Torralba y Radaza, 37, employee, kapwa residente ng Block 80 Lot 46 Florante at Laura St., Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Runald Ceniza ng Quezon City Police District Station 16, alas-10:00 ng gabi nitong Miyerkules nang magtungo sa nasabing  tirahan ang kaopisina ni  Radaza na si  Roderick Reyes dahil sa ilang araw nang hindi pumapasok.

Makailang ulit na ki­na­katok ni Reyes ang bahay ng mga biktima, subalit walang sumasagot kaya napilitan itong humi­ngi ng tulong sa mga opis­yal ng Barangay Greater Lagro.

Sa pagpasok ni Ex-O Vincent Andrew Tesoro, at mga BPSO na sina Ramil Dacumos, Elenita Ganuelas, Ignacio Calilong at Alesandro Muyuela, masangsang na amoy ang bumulaga sa kanila kaya napilitang sirain ang bintana ng bahay.

Nakita nila si Radaza na nakahiga sa sopa at wala ng buhay, habang nadiskubre naman ang bangkay ni Torralba sa loob ng kuwarto nito na kapwa naaagnas na.

Posible umanong heat stroke ang ikinamatay ng mga biktima.

vuukle comment

HEAT STROKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with