^

Police Metro

Apat na holdaper utas sa shootout

Joy Cantos, Gary Bernardo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang apat na pinaghihinalaang notoryus na holdaper nang kumasa umano ang mga ito sa otoridad sa isang shootout, kamakalawa ng gabi sa Bulacan at Pampanga.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong holdaper na kung saan ay narekober sa kanila ang isang caliber. 38 revolver Smith and Wesson, tatlong cartridge, tatlong cartridge ng cal 38 at isang cal 9 MM Armscor pistol , isang cal 9 MM, 12 caliber 9 MM, isang hand grenade at isang kulay itim na motorsiklo.

Nakumpiska rin ang isang My Phone cellular phone, dalawang Samsung cellular phone, sari-saring identification cards, , isang relo, cash na  mahigit P 700 at iba pa.

Sa ulat, bago naganap ang engkuwentro, alas-8:45 ng gabi sa kahabaan ng E. de Guzman Street, Brgy. Poblacion, Pandi, Bulacan ay unang isinailalim sa masusing surveillance operation ang mga suspek.

Nang magpositibo ay sinalakay ito ng mga otoridad at pinasusuko, subalit sa halip umanong sumuko ay kumasa ang mga ito na nauwi sa shootout hanggang sa mapatay ang mga suspek.

Sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga ay napatay ng mga pulis ang isang holdaper na lider ng Cantil Crime Group, kahapon ng alas-2:40 ng hapon sa Mac Arthur Highway.

Kinilala ang napatay na suspek na si Russel Matthew Cantil,residente ng Barangay Amsic,at tinaguriang Top 6 Most Wanted at sinasabing lider ng grupo.

Sa ulat, aarestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest nang ito ay manlaban sa mga otoridad at napatay

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with