Brownout sa Metro Manila at kalapit na lalawigan, inanunsiyo
MANILA, Philippines — Muling inanunsiyo ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) ang pitong araw na maintenance works sa susunod na linggo, at nagpaabi-so ng brownout o power interruptions sa mga lugar na maaapektuhan nito.
Ayon sa Meralco, ang maintenance schedule ay nakatakdang isagawa mula Mayo 20, Lunes, hanggang Mayo 26, Linggo.
Kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang Bel-Air, Guadalupe Viejo at Poblacion sa Makati; Sampaloc at Sta. Mesa sa Maynila; Novaliches, Baesa, Cubao sa Quezon City sa Metro Manila; gayundin ang Sto. Tomas, Batangas ; Sta. Maria, San Jose del Monte City, Bulacan; Amadeo, Silang, Tagaytay City, Maragondon, Naic, Ternate at Dasmariñas City sa Cavite; Calamba City, Los Baños at Biñan sa Laguna at Tanay sa Rizal.
Ang mga maintenance works naman na isasagawa ay relokasyon at upgrading ng facilities; line reconstruction works; NGCP line maintenance works; poles replacement, line reconductoring works, repair works at preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco substations.
Kaagad namang hu-mingi ng paumanhin ang Meralco sa mga maaapektuhan ng power interruptions at ipinaliwanag na ito’y hindi dulot ng kakulangan ng suplay ng kuryente at sa halip ay dala lamang ng kanilang mga maintenance works.
- Latest