Lalaki na kinalasan ng nobya nandamay sa pagpapakamatay
MANILA, Philippines — Hindi matanggap ng isang binata ang ginawang pagkalas sa kanya ng nobya at sobrang depresyon ay nanghiram ito ng motorsiklo at ibinangga sa kasalubong na motorsiklo na naging dahilan ng kanyang kamatayan at binangga naganap kamakalawa sa kahabaan ng national highway sa Brgy. La Purisima, Ocampo, Camarines Sur.
Kapwa nasawi noon din ang suspek na si Albert Casaul Basio, residente ng Brgy. Salvacion habang namatay sa ospital ang binangga nitong si Nestor Brugueja Lompero, ng Brgy. Himaao sa bayan ng Pili.
Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw ay nagalit si Basio nang makipagkalas ang kanyang nobya na hindi nito matanggap.
Hiniram nito ang motorsiklo ng kapitbahay at saka mabilis na pinatakbo sa highway na kung saan ay nasalubong nito ang papauwing si Lompero sa kanilang bahay na sakay rin ng motorsiklo.
Ayon sa mga nakasaksi, sinadya umanong banggain ng suspek ang kasalubong na si Lompero dahilan para kapwa sila sugatang tumilapon sa kalsada at nagkayupi-yupi ang kanilang mga motorsiklo.
- Latest