^

PSN Palaro

Maningkil, Cardona Dagupan leg champs

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Binanderahan nina Wil­son Maningkil at Lany Cardona ang men’s at women’s 21-kilometer run, ayon sa pagkakasunod, sa second leg ng 36th Natio­nal Milo Marathon sa Dagupan City na nilahukan ng 9,700 runners.

Nagsumite si Maningkil ng oras na 1:15:28 para maghari sa men’s division kasunod sina Ferdinand Corpuz (1:17:16), Jeric Bu­hian (1:22:21), Ronnie Rosete (1:23:01) at Rogel Anajao (1:24:32).

Bagama’t may minor injury ay naglista pa rin si Cardona ng oras na 1:38:58 para ibulsa ang P10,000 elimination prize.

Inungusan ni Cardo-­na sina Angie Botardo (1:49:10), Jessa Mae Cortez (1:54:28), Jhocell Asis (2:03:59) at Maidy Soriano (2:30:25).

Makakasama nina Maningkil at Cardona ang 28 runners na pangungunahan nina Hernani Sore at Cristabel Martes, namayani sa unang qualifying race sa Baguio City noong nakaraang Linggo, at ang 11 pang qualifiers mula sa Dagupan leg sa National Finals sa Disyembre 9 sa SM Mall of Asia (MOA) grounds sa Pasay City.

Matapos ang Dagupan Leg, dadalhin ang quali­fying race sa Tarlac sa Hulyo 15.

Ang 36th Milo Marathon National Finals ay nakatakda sa Disyembre 9 sa SM Mall of Asia.

ANGIE BOTARDO

BAGUIO CITY

CRISTABEL MARTES

DAGUPAN CITY

DAGUPAN LEG

DISYEMBRE

FERDINAND CORPUZ

MALL OF ASIA

MANINGKIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user