PLDT High Speed Hitters wagi sa Cool Smashers

MANILA, Philippines — Hinataw ng PLDT ang ikatlong sunod na panalo matapos takasan ang Creamline, 25-19, 25-27, 25-23, 25-23, sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nagtuwang sina Fil-Canadian Savi Davison, Kim Kianna Dy at Dell Palomata para itaas ang baraha ng High Speed Hitters sa 3-2.
Ito naman ang unang kabiguan ng Cool Smashers matapos ang apast na dikit na arangkada.
Sa unang laro, pinatumba ng Farm Fresh ang ZUS Coffee, 25-21, 16-25, 21-25, 25-19, 15-10, para buhayin ang tsansa sa semifinals berth.
Nagkadena si ces Molina ng triple-double na 18 points, 12 excellent digs at 17 receptions para sa bounce back win ng Foxies at itaas ang marka sa 3-2.
“Alam namin kung gaano kahalaga ang larong ito as we move forward to our next games,” ani Molina. “Mas mabibigat pa ang mga susunod naming laban, kaya kailangan talaga naming makuha ang panalong ito.”
Bumakas si Royse Tubino ng 20 points, habang may 17 markers si Trisha Tubu.
Pumalo si AC Miner lng 21 points para sa pang-limang sunod na kamalasan ng Thunderbelles.
- Latest




















