^

PSN Palaro

Stark ibabalik WSL sa Pinas

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gusto ng World Surf League (WSL) na matiyak na makakakuha ng higit pa sa pagkakataon ang mga Pilipinong sur­fers na makatapat ang mga pinakamagagaling sa mundo kung saan ang pa­kikipagtulungan nito sa Philippine Sports Commission (PSC) ay inaasahang mag-uumento sa pagpapa­lago ng local surfing.

Sinabi ni WSL president Andrew Stark na ang pagdadala ng Championship Tour sa Cloud 9 ay isang pagkakataon din para maipakita sa mga batang Pinoy surfers ang international competition.

Ang nasabing event ay nakipagtulungan sa PSC na pinamumunuan ni chairman Patrick Gregorio upang dalhin ang Philippines Pro sa Siargao na naghatid sa Championship Tour sa mga baybayin ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon.

Ikinatuwa ni Stark ang suportang ibinigay ng PSC at sinabing masaya ang liga sa naging pagsalubong sa kanila ng local community.

“We’ve got a fantastic partnership with the Philippine Sports Commission,” ani Stark.

Inilapit din ng WSL ang mga local surfers sa event sa pamamagitan ng kanilang programang Ri­sing Tides.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with