^

PSN Palaro

NU Spikers aasinta ng puwesto sa final 4 VS FEU

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Selyuhan ang ikalawang puwesto sa semifinals sa Group B ang naka­taya sa National University sa pagharap sa FEU sa pagpapatuloy ng 8th Sha­key’s V-League first confe­rence quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sariwa sa straight sets panalo sa South Wes­tern University sa huling laro, ikalawang panalo sa tatlong laro na magsisilbi bilang tiket sa Final Four ang makukuha ng Lady Bulldogs kapag tinalo ang ina­asahang palaban ding Lady Tamaraws.

Ganap na alas-2 ng ha­pon nakatakda ang sagupaan at mahalaga rin sa panig ng FEU ang resulta ng laban na handog ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Sa 1-1 karta, must-win ang Morayta based na koponan upang manatiling buhay pa ang hangaring maalpasan ang yugtong ito.

Patibayin naman ang hangaring pagbulsa sa ikalawang sunod na titulo sa ligang suportado ng Accel at Mikasa ang nakaumang sa Adamson sa pagharap sa Ateneo dakong alas-4.

Sa 2-0 karta ng Lady Eagles sa Group A, naka­usad na rin sila kasama ng University of St. La Salle na may ganitong karta sa Group B.

Pero hindi naman pa­­­payag ang Ateneo na matapos ang limang sunod na panalo na naitala na sa liga kaya’t makakatiyak na pupukpok pa rin para magkaroon din ng winning momentum papasok sa se­mifinals.

Sina Cherry Vivas at Denise Santiago na nagsanib sa 32 hits nang kunin ng Lady Bulldogs ang 25-17, 25-21, 25-17, panalo sa SWU nitong Huwebes ang inaasahang mangunguna uli sa Lady Bulldogs.

vuukle comment

ATENEO

DENISE SANTIAGO

FINAL FOUR

GROUP A

GROUP B

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LADY TAMARAWS

NATIONAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with