^

PSN Palaro

Suns napaso sa Nuggets

-

DENVER - Hindi pa iiwa­­nan ni Carmelo Anthony ang Denver Nuggets.

Hindi niya matiis na hin­di niya makaharap ang Miami Heat at ang grupo ni LeBron James sa Huwe­bes.

“I’ll be here playing against Miami,” sabi ni Anthony.

Umiskor ang All-Star for­ward ng 28 points, habang nagdagdag si Aaron Afflalo ng career-high 31 points upang tulungan ang Nuggets na wakasan ang kanilang three-game lo­sing skid mula sa kanilang 132-98 panalo sa Phoenix Suns.

Pinatahimik ni Anthony, naging sentro ng usapan ukol sa trade, ang mga ma­nonood mula sa kanyang mga hustle plays at ha­nging jumpers.

Tinulungan ni Anthony ang Nuggets sa pagpasok sa pitong playoffs sa kanyang unang pitong sea­sons.

“People have their right to boo, people have their right to cheer,” wika ni Anthony, nagdagdag rin ng 10 rebounds.

Sa kabiguan ng Denver sa New Orleans noong Ling­go, umiskor lamang si Anthony ng 8 points.

Nagdagdag si Ty Lawson ng 16 points para sa Nuggets, habang may 15 naman si J.R. Smith.

Ang Denver lamang ang koponan na hindi pa na­tatalo ng apat na sunod na beses.

Sa Portland, Oregon, inilista ng New York Knicks ang kanilang pang-12th na panalo sa labas ng kani­lang balwarte sa season nang kanilang igupo ang Portland Trail Blazers, 100-86.

Nagposte si Amare Stoudemire ng 23 puntos at walong rebounds, habang nagdagdag naman si Raymond Felton ng 17 puntos at 14 assists para sa Knicks.

Sa Los Angeles, inirehistro ng host team ang kanilang best defensive performance sa shot clock era, makaraang patumbahin ang Cleveland Cavaliers, 112-57.

Tumapos sina Ron Artest at Andrew Bynum ng tig-15 puntos para sa defending NBA champion Lakers kung saan ipinatikim nila ang pinakamalaking 32 puntos na kalamangan sa Cavs sa halftime tungo sa kanilang ikalimang sunod na panalo.

Sa iba pang laro, nai­sa­han ng Washington Wi­zards ang Sacramento Kings, 136-133 sa overtime at pinaluhod naman ng In­diana Pacers ang Philadelphia 76ers, 111-103.

vuukle comment

AARON AFFLALO

AMARE STOUDEMIRE

ANDREW BYNUM

ANG DENVER

CARMELO ANTHONY

CLEVELAND CAVALIERS

DENVER NUGGETS

MIAMI HEAT

NEW ORLEANS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with