^

Metro

Overlapping street signs, ipinatanggal ni Mayor Isko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang agarang pag-alis ng magkakapatong na streets signs sa iba’t ibang distrito sa lungsod, kasunod ng isang viral na post sa social media na doble-doble ito na hindi naman kailangan.

Ang isyu ay tinalakay sa publiko ni Mayor Francisco "Isko Domagoso" Moreno pagpapalabas ng kanyang lingguhang programang Yorme’s Hour noong Biyernes.

Nilinaw ni Morenona hindi sinimulan sa ilalim ng kanyang administrasyon ang paglalagay ng redundant signage, bagkus ay proyekto ito ng nakaraang pamunuan. “I ordered already engineer Andres. You choose, either blue or green. I don’t care pero isa lang ang poste kaya lang malungkot, gumastos tayo ng walang kapararakan”, ani Moreno na tinawag itong pagwawaldas ng pondo at aniya’y pananagutin ang mga nasa likod nito sa oras na makakalap ng ebidensya.

Ang isang ulat na isinumite ni City Engineer Armand Andres ay nagsiwalat na ang proyekto, na pinamagatang “Installation of Reflectorized Street Name Signages”, ay ipinatupad sa buong Distrito 1 hanggang 6 at may tag ng presyo na ?39.9 milyon.

MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with