^

Metro

Naglipanang substandard na LPG tanks, bakal mula China; DTI kinalampag

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Naglipanang substandard na LPG tanks, bakal mula China; DTI kinalampag
Small businesses worry the Middle East conflict could drive LPG and fuel prices higher.
Getty via Canva

MANILA, Philippines — Kinalampag ng iba’t ibang sektor ang Department of Trade and Industry (DTI) para aksyonan ang pumapasok na mga substandard products sa bansa tulad ng mga LPG tanks, bakal, at batte­ries mula sa ibang bansa partikular mula sa China.

Ayon kay Dr. Jesus Aranza ng Federation of Philippine Industies, bagama’t suportado na raw ng DTI ang kanilang reklamo at identified na ang mga companies, pero wala pa silang nakikitang aksyon sa kung anong nangyari sa mga reklamo laban sa mga sangkot sa pagkalat ng mga substandard products sa ­bansa tulad ng mga pekeng steel bars, substandard na LPG tanks at battery na kadalasang ugat ng sunog at pagsabog.

Pinapayagan din umano ang ilang negos­yante na mag-refill ng LPG gayung hindi naman mga legal na refillers.

Isinisi rin Atty. Ligan na dulot nang paggamit ng ilan sa mga substandard steel bars, nagagawang gumuho na lamang ang mga gusali, at imprastrura tulad nang nangyari sa 9 storey building sa Angeles City na ginamitan ng substandard materials.

Kinuwestyon din ng FPI kung bakit mga pulis at NBI ang karaniwang nag-iimbestiga sa mga pagguho ng mga gusali o imprastraktura at walang taga-DTI na nagsusuri sa mga ito.

Naawagan ang iba’t ibang sektor sa Malakanyang na aksiyonan ang problema sa pagpasok ng mga substandard pro­ducts sa bansa mula sa china.

DTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with