^

Metro

OWWA: bagong transit lounge, sa NAIA Terminal 3 bukas na!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Komportableng pahingahan ang binuksan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), katuwang ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) para sa mga Overseas Filipino worker (OFW) na lilipad patungo sa ibang bansa o kararating sa Pilipinas at may connecting domestic flight sa NAIA Terminal 3.

Ang bagong OFW Transit Lounge sa Terminal 3 ay may mga kama at massage chair na may kapasidad na hanggang 26 na OFW na maaaring manatili hanggang 3 oras.

Bahagi ito ng pagpapalawak ng mga OFW Lounge sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. May mga lounge na rin sa NAIA Terminal 1, Mactan-Cebu International Airport, at Clark International Airport.

Para naman sa mga distressed OFW na kararating lamang sa bansa at nangangailangan ng tulong, maaaring lumapit sa OWWA Airport Arrival Assistance Desk sa arrival area pagkatapos ng Customs sa NAIA Terminals 1 at 3.

Maaaring humingi roon ng tulong sa transportasyon, pagkain, o pansamantalang matutuluyan, alinsunod sa mga patakaran ng OWWA.

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with